Ano ba itong nararamdaman Na parang hindi ko mapigilan
Sa tuwing ika'y dumaraan
Kaligayahay walang paglagyan
Sa ganda at halina
Ako'y walang magawa
Ang tumingin at pagmasdan ka
Ang araw ko'y buo na
O binibining mahinhin
Maria clara sa paningin
Sa panaginip ay laging kapiling
At sanay huwag nang magising
Pinapangarap sa araw-araw
Na sa aki'y muling dumalaw
Pag-ibig na nga ba ito
O pag-ibig na totoo.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento