Na parang hindi ko mapigilan
Sa tuwing ika'y dumaraan
Kaligayahay walang paglagyan
Sa ganda at halina
Ako'y walang magawa
Ang tumingin at pagmasdan ka
Ang araw ko'y buo na
O binibining mahinhin
Maria clara sa paningin
Sa panaginip ay laging kapiling
At sanay huwag nang magising
Pinapangarap sa araw-araw
Na sa aki'y muling dumalaw
Pag-ibig na nga ba ito
O pag-ibig na totoo.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento